Wednesday, May 12, 2010

Vice President of the Philippines

After kong bumoto, umuwi kaagad ako dahil sa sobrang pagod. Galing kasi ako sa trabaho bago bumoto (kung bakit naman kasi hindi affected ng Phillipine holiday ang mga call centers). Super check ng news kung kumusta ang halalan. So far ay wala masyadong reklamo at karahasan maliban na lamang sa Maguindanao. Given na.

Umidlip muna ako for an hour and half then pagtingin ko, may mga partial unofficial tally na ang TV5, Kapamilya at Kapuso. Lamang si Noynoy pero ang hindi ko matanggap eh si Binay ang nangunguna sa VP position. FTW! Grabe. Hindi ko matanggap kaya ending, hindi ako masyadong nakatulog sa pag-alalang lumaki pa ang lamang ni JEJEmar.

Kinabukasan, millions na agad ang botong pumasok. Todo sa bilis infairness sa Comelec. Pero teka, bakit meron silang partial official? tally for President and VP. Di ba dapat congress ang gagawa nun at Comelec para sa Senators? Hhhmmm... Baka na-excite. Anyways, tambak lahat ng katunggali ni Noynoy pero sina JEJEmar at Roxas ay may close fight. Lamang lang nang humigit kumulang 800k votes si JEJEmar. Syet!


Totoo kayang walang powers si Noynoy na pigilin ang ibang miyembro nang partido na imbes na si Mar ang suportahan ay hayagang sinuportahan si Binay? Sana naman ay hindi dahil si Roxas naman talaga ang rason kung bakit siya ang main candidate ng partido sa pagkapangulo.

"Bayan muna bago ang sarili" ang tumatak sa isip ko na sinabi ni Mar Roxas kaya siya umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo. Dun pa lang, saludo na ako sa sakripisyo niya. Mahal niya ang ating bansa. Ramdam ko yun ng taos sa puso.

Naglabasan din for the past few weeks ang tandem na NoyBi. Alam naman natin na maganda ang relasyon ng mga Aquino kay JEJEmar thanks to Tita Cory. Pero umepal kasi itong si Cheesy Escudero eh. Siya nga itong unang umatras sa pagkapangulo dahil wala siyang partido eh. Oposisyon nga pero walang suporta. Mataas daw kasi ang trust rating niya sa publiko. Around 30++ percent yata. Ayun, nagpa-cute sa sambayanang Pilipino at nag-endorso. Balak yatang maging commercial model.

Isa lang ang nakita kong dahilan kung bakit niya inendorso si Binay. Dahil alam niyang malaking threat si Roxas sa pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016 elections. Kung magiging VP nga naman si Roxas, mas tataas ang satisfaction rating ng Pilipino dito. Samantalang siya na tatlong taon na sa senado, wala pang nagagawa. Buti na lang at ang ibang Pilipino mahilig sa cute. Ang cute niya kasi... cute tirisin. Sabi niya, masyado pa daw malayo ang 2016 para isipin yun. Near sighted daw siya at hindi far sighted. Sinong binola niya???

Bonggang opinyon ko lang, feeling ko inilaglag ng LP si Mar para maisulong ang NoyBi tandem. Alam siguro ni Erap yun kaya hindi niya nagawang i-shade ang bilog na hugis itlog sa tabi ng pangalan ni JEJEmar.

Madaming reasons kung bakit hindi ko gusto si JEJEmar. Ang mga plataporma niya na inihayag niya sa kanyang mga advertisement. Hindi naman maisasakatuparan iyon dahil walang powers ang VP not unless na wala sa bansa ang pangulo, natsugi ito during his term (wag naman sana), or inappoint siya as one of the cabinet officials. In short, waiting ang lolo niyo. Todo wait sa iuutos ng pangulo. Libreng edukasyon, libreng gamot blah blah. Haller! Hindi po pwedeng maging Makati ang Bicol region, Nueva Ecija, Bohol, Zamboanga, at Maguindanao.

Maswerte siya sa balota dahil alphabetically arranged ang names nila at #1 siya. Si Acosta nga na nuisance candidate sa pagkapangulo eh mas madaming boto pa ang nakuha kay Jamby, Nick Perlas at JC Delos Reyes.

Siguro, may mas magandang plano ang Diyos para kay Mar Roxas. Hindi siguro ito ang tamang posisyon kung saan magiging productive siya. Isa kasi siya sa mga hard working senators sa ating bansa. Bibigyan siya ng Diyos nang mas akmang posisyon na magagamit niya ang kanyang talino at kakayahan para sa sambayanang Pilipino. I still believe to Mar Roxas. Hindi pa tapos ang bilangan ng boto kaya sa mga supporters niya, PLEASE PRAY FOR HIM.

4 comments:

  1. HARD WORKING SENATORS SHOULD ALWAYS BE PRESENT IN THE SENATE BUT ROXAS WAS ALWAYS ABSENT. WHERE'S THE "HARDWORKING" THERE? BINAY HAD DONE A GREAT JOB IN HIS TERM. BINAY'S CHILDREN WAS ELECTED AS A MAYOR(HIS SON) AND CONGRESSWOMAN(HIS DAUGHTER), IT'S JUST AN INDICATION THAT THEIR FAMILY IS GOOD IN GOVERNING THE PEOPLE. (THIS IS JUST MY POINT OF VIEW). I THINK NOY-BI WILL BE A GOOD TANDEM.

    ReplyDelete
  2. Totoo kayang walang powers si Noynoy na pigilin ang ibang miyembro nang partido na imbes na si Mar ang suportahan ay hayagang sinuportahan si Binay? = EXACTLY. WHO IN HIS RIGHT FRAME OF MIND WOULD DO SUCH A THING TO HIS TEAM MATE?? ONLY SOMEONE WITH A WEAK CHARACTER LIKE NOYNOY. I'M NOT BUYING HIS CRAP. POOR MAR. HE WOULD HAVE MADE A BETTER PRESIDENT IF IT WEREN'T FOR HIS SUPREME SACRIFICE. SAYANG TALAGA.

    ReplyDelete
  3. To Anonymous May 12, 2010 5:55 PM:
    ----- I don't like political dynasty so I don't buy that... I just hope that politicians will know the REAL meaning of public service... Sana huwag nila itong gawing negosyo o propesyon... Give chance to others na may ibang plano sa ikauunlad ng kanilang nasasakupan.

    To Anonymous May 13, 2010 10:17 PM:
    ----- Kung hindi naman kasi umatras si Mar sa pagkapangulo, hindi tatakbo yang si Noynoy eh. Nanghinayang ako kasi naniwala sa kanya si Mar pero anong ginawa niya? Parang wala o kung meron man ay hindi sapat. Sana hindi masira ang Liberal Party kasi naniniwala ako sa kanila... sa ngayon.

    ReplyDelete
  4. i like Mar kahit na nakakaasar ang mga papadyak padyak nyang ads noon, dahil marami syang nagawa. pero let's face it. Kahit tumakbo yan na presidente, hindi rin sya mananalo. kung hnidi namatay si Cory at kung hindi tumakbo ang waalng kwenta nyang anak, either si Erap or Villar and presidente ngayon. Walang panama sa kanila si Mar.

    ReplyDelete