Monday, May 3, 2010

Selda


Isa sa mga nirenta ko sa Video City ang "Selda". Hindi ito katulad ng mga nagsusulputang gay indie films na halos walang istorya at puro hubaran lang. I was so impressed with the execution of this movie. No wonder kung bakit humakot ito ng mga awards local and international. Superb ang acting nina Sid Lucero at Ara Mina. The film is more than 2 hours which is rare sa panahon ngayon. Hindi siya boring kahit mahaba. Shocking ang bawat scene at kakaiba talaga ang takbo ng pelikula. Maganda ang editing at cinematography.

Nakakagulat ang rape scene ni Sid. Sobrang madahas at ramdam mo ang hirap niya. Magaling din ang portrayal ni Alan Paule bilang malibog na kakosa.


Masasabi kong isa ito sa magiging klasikong pelikulang Pilipino na maipagmamalaki natin.

No comments:

Post a Comment