Tuesday, May 4, 2010
I Love You, Goodbye
"I Love You, Goodbye" ang isa sa mga pelikulang napanood ko before "Selda". Again, I was impressed with this film. Bongga 'tong movie na ito kasi kakaiba ang istorya hindi tulad ng mga napapanood natin ngayon. Nakakapagod na kasing manood ng pelikulang umiikot lang sa dalawang karakter and their struggles as mag-jowa. Dito sa " I Love.." parang ibinalik nila yung 90's movie era.
Sa acting ni Angelica Panganiban, naaalala ko sina Lorna Tolentino, Hilda Koronel and Sharon Cuneta. Sobrang galing niya as an actress.Todo sa drama ang mga scenes nila ni Derek Ramsey. Hindi alangan yung pagiging bagets ni Angel kay Gabby Concepcion. Yummy pa rin kasi si Papa Gab. Kim Chiu is good kaya lang siguro mas magiging maganda yung portrayal ng character niya kung iba yung gumanap. Parang di kasi bagay sa kanya.
Yung mga love scenes ni Angelica with Derek and Gabby was made artistically. Galing ni Laurice Guillen at ng Star Cinema.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment