Monday, May 24, 2010

Indie Films sa UP Film Center

Sobrang namimiss ko ang premiere night ng mga indie films sa UP Cine Adarna. Todong na-adik kasi ako dito. Basta may premiere, nandoon ako with my friends.

Una kong napanood na indie film ay Quickie (Quicktrip) directed by Crisaldo Pablo. August 2008 yun. Niyaya ako nung officemate ko na isa sa mga production staff nang pelikula. Dun na nagsimula ang lahat. Walang Kawala ang sumunod na napanood ko kasama ang mga bekiboom friends ko. Naloka ako sa frontal nudity ni Marco Morales. Simula nun, minahal ko na siya. CHAROT!


Updated ako thru Hot Men in the Philippines at Yahoo gay groups. It was followed by Kurap ni Sherwin Ordonez at nang pinaka memorable sa lahat, Lalamunan. Title pa lang, agaw atensyon na. Hindi naman siya comedy pero tawa kami ng tawa sa loob ng theater. Pati theme song niya, bongga.

2009. Bagong taon pero hindi bagong buhay. Adik pa rin sa indie films. Pati mga babae kong friends, isinama ko na. Patok na patok ang mga premiere nights sa UP. Puno ng tao. Puno din ang schedule of events ko. Butas nung Enero, Sagwan, Mga Pinakamahabang One Night Stand at Showboyz ng Pebrero at Booking ng Marso.

Bongga ang Sagwan. Napuno ang buong UP Film Theater. Ang haba ng pila sa bilihan ng tiket. Pagpasok mo sa loob, may mga tao pang nakaupo sa sahig at nagdagdag ng monobloc para may maupuan pa.

Nakilala na rin ako ni Marco Morales dahil lahat ng premiere niya sa UP, andun ako. Hahaha... Fanatic.

Ngayon wala nang premiere night/s sa UP. Bad trip kasi ang MTRCB. Pakialamera. Lahat kasi ng pelikulang pinapalabas dun eh director's cut. Di pa dumadaan sa paningin ni LaGuardia and associates. Ngayon, wala na kaming social life.

Sana mag-boom ulit ang premiere ng mga pelikula sa UP. Para buhay ulit ang dugo namin. Specially ng mga bekibooms!

4 comments:

  1. sweety napanood mo na ba un love of siam and un mama tambien...asus napakagandang,< superlative.> pelikula highly recommended ko sau....

    ReplyDelete
  2. Teh, na-bore ako dun sa Y Tu Mama Tambien. Pero di ko pa napapanood yung Love of Siam. Sabi nga nila maganda yun...

    ReplyDelete
  3. Teh, nandun ako nung Premier ng Walang Kawala at Sagwan bonggang bongga. How about yung Premier ng Showboyz, nakakaloka ang frontal nudity ni K King. Daking!

    ReplyDelete
  4. ay true... walang makakatalo sa mga frontal nudity ng mga indie films sa UP film center... BONGGA!

    ReplyDelete