Sunday, May 2, 2010

Comfort Woman


Dahil sa sobrang nagandahan ako sa "Bona", pinanood ko kaagad ang isa sa mga obra ni Ate Guy, ang "Tatlong Taong Walang Diyos". 1976 pa pala niya ginawa ang pelikulang ito at siya din ang producer. Infairness, marunong siyang pumili ng magagandang istorya.

Panahon ng World War 2 ang set-up ng pelikula. Muli, naramdaman ko ang hirap ang pagod ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Ang gagaling kasi ng mga artista. Pagsamahin mo ba naman sina Christopher De Leon, Bembol Roco at Nora Aunor ewan ko na lang kung hindi mo ma-feel ang movie.

Favorite ko yung part na nagkita sila for the first time sina
Rosario (Aunor) at Masugi (De Leon). Dahil sa sobrang kalasingan ni lalake, nagahasa si babae. Eventually, na-inlove si lalake at nahulog din naman sa kanya si babae. Kaka-kilig pala ang love team nila noon. Ang gwapo ni Kuya Boyet.

5 comments:

  1. The best talaga ang mga pelikula ni Ate Guy.

    ReplyDelete
  2. True! Try kong mapanood pa ang iba niyang pelikula kapag may nakita akong available.

    ReplyDelete
  3. hanapin mo po yung Bakit Bughaw ang Langit, super yun, promise.

    ReplyDelete
  4. basta ms nora aunor,kahit walang kwenta ang kwento ay naiaangat niya ito sa level ng kalidad na pelikula.

    ReplyDelete
  5. Grabe ang BAHO nyo! xDD :)

    ReplyDelete