Sunday, May 2, 2010
Nilaga
Dahil tatlong araw akong nawala at under surgery ang computer ko, bonggang movie marathon ang ginawa ko. Apat na pelikulang sunud-sunod ang pinanood ko. Buti na lang at may Video City malapit sa amin na pwedeng rentahan anytime.
Una kong pinanood ang "Bona" ni Ate Guy. Nakakaloka!!! Ibang-iba ang istorya at ang karakter niya. Todo sa akting si Ate Nora at maganda ang execution ng pelikula. Iilan pa lang na pelikula ni Lino Brocka ang napapanood ko pero lahat sila nagustuhan ko. Iba talaga ang pelikula noon kumpara sa ngayon.
Feel na feel kong obsessed si Bona. Todo paligo kay Gardo played by Philip Salvador. Pati pedicure at pagta-trabaho, inako niya. Nakakaloka!!! Ang galing galing ni Nora Aunor. No wonder kung bakit "Superstar" siya ng Philippine showbusiness.
Pero ang pinaka-favorite ko ay yung ending. Sobra talaga akong na-shock at natawa. It was a different ending. Ito pala yung ginaya sa pelikulang "Apat Dapat, Dapat Apat" ni Eugene Domingo.
Ginawang nilaga ni Bona si Gardo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hindi naman literal pero freaky talaga!
ReplyDeleteIto ang de-kalidad na pelikula talaga.
ReplyDeleteunexpected ang ending. grabe as in grabe talaga! sana ganyang ang ginagawa sa mga corrupt na opisyal sa ating bayan - pinapaliguan ng kumukulong tubig.
ReplyDelete