5am to 2pm ang shift ko sa aking pinapasukan. Everytime na papasok ako, I always ride a bus coming from Novaliches since yun ang dumadaan malapit sa amin. Medyo scary nga lang kasi ang bibilis ng mga ordinary na bus but efficient kasi at least di mo feel na male-late ka sa work. Yun nga lang, dapat mabilis ka ding magdasal.
This morning, pagsakay ko ng bus ay nagbayad ako kaagad kay manong kundoktor. Infairness, mabilis siyang mag-sukli at magbigay ng tiket. Afterwards, napansin ko yung eyes niya. Medyo iba. Yun pala, cross-eyed si kuya. Kakaiba ang aking naramdaman.
Nakaka-proud tingnan na hindi balakid ang pagiging duling niya para magtrabaho siya ng marangal. Ako in particular, iniisip ko na kapag ang isang tao ay duling, dala-dalawa talaga ang nakikita niya. Si kuya ang nagpatunay na hindi totoo yun dahil diretso siyang tumingin sa tao at tama siyang magsukli. Narealize ko na ako pala yung totoong duling... sa maling katotohanan tungkol sa kanila.
Nahiya ako para sa ibang tao na malakas na sa pangangatawan, diretso pa ang mga mata pero batugan naman o di kaya ay kriminal. Nakaranas na kasi ako ng mga manggagantso sa bus. Yung hihingi ng sukli sa isangdaan kahit wala pa namang binabayad. Sila pa ang galit kapag di natandaan ng kundoktor na nagbayad sila. Sana naman hindi mabiktima si kuya ng mga katulad nila at gawing advantage ang kalagayan ng mata niya.
melanie i love your views kakatouch im proud of you!isa kang bading na may puso!add me up sa fb. birthday gift mo na lang sa akin. mark_lopez421@yahoo.
ReplyDelete