Tuesday, May 18, 2010

Himala

Ilang beses ko nang gustong panoorin ang Himala by Nora Aunor and written by Ricky Lee. Hindi ko na kasi matandaan yung buong istorya nito since bata pa ako nung huli ko siyang napanood sa TV. Pinapalabas kasi ito dati kapag Semana Santa. I got my own copy this month at masaya ako't napanood ko siyang muli.

Ang istorya mismo ng pelikula ang bentahe nito para sa manonood. Maganda ang pagkakagawa nito mula sa script hanggang sa pagbuo ng pelikula. Iba talaga ang pelikula noon kesa ngayon. May lalim at unpredictable. Pinaka-shocking scene dito ay yung rape scene ni Elsa at ng kaibigan niya. Maganda din ang ending ng pelikula kahit namatay ang bida. Yung stampede at pagkakadala ni Elsa sa ambulansya, nakakamangha. Parang totoo at ramdam mo yung hirap nila. May connection sa manonood. Hindi na ako nagtaka kung bakit isa ito sa pinakamagandang pelikula ng bansa natin.

Kung ako ang tatanungin, hindi ito ang acting piece ni Ate Guy. Hindi kasi siya ang focus ng pelikula kundi ang istorya. Madalang man magsalita ang karakter niya, nakikipagusap naman siya sa pamamagitan ng mata. Napaka-expressive ng mga mata ni Ate Guy. Nagpapatunay na isa talaga siyang magaling na artista.

Sana makagawa muli tayo ng mga de-kalidad na pelikula tulad nito na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

5 comments:

  1. Hi Melanie! Thank you for watching one of the greatest film of all time. Marami akong Nora Aunor DVD's na super gaganda talaga. Just tell me if you want to see some, and I will give it to you for free. Mabuhay ang nag-iisang Superstar. Btw, I am Ferdie.

    ReplyDelete
  2. Hi Ferdie. Thanks for the comment. Actually, marami pa akong gustong mapanood na pelikula niya like Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina, Bakit Bughaw ang Langit, Ina ka ng Anak mo at Minsa'y Isang Gamu-Gamo. Maganda kasi ang nababasa ko sa internet tungkol sa acting niya with her films. I just hope she can comeback and do some more meaningful movies.

    ReplyDelete
  3. hindi magiging buhay ang kwento kahit maganda ito kung walang gaganap. naging maganda ang kwento dahil sa mahusay na pagkaganap ng tauhang babae - ms nora nora aunor bilang elsa. ang pelikulang 'himala' ay di magiging buhay kung hindi si ms nora aunor ang gaganap. ito ang himala.

    ReplyDelete
  4. Masyadong one dimensional ang acting ni Ms. Aunor, puro lang mata at mga close up shots siya lumilitaw. Pag bulag na ang character na ginagampanan niya o kaya kung mga long shots, naka side o nakatalikod ang position at anggulo ng tauhan na ginagampanan niya lumulubog na ang galing niya. Her acting is so much one-dimensional and she doesn't know how to voice and body act, these two are the other components of acting. The film doesn't revolve in one single close-up shot alone. This simply explains why she was beaten black and blue by Elizabeth Oropesa for "Bulaklak Ng Maynila" and was overshadowed by Glydel Mercado in "Sidhi".

    ReplyDelete
  5. But film is a visual medium and works well with close-ups. Body acting is more crucial in theater acting where the audience do not enjoy the advantage of close-ups. The international critics who laud her restrained but heartfelt acting, which by the way suits cinematic acting, only attest to this.

    ReplyDelete