Mahirap din palang mag-isa at walang karamay sa buhay. Oo may pamilya at mga kaibigan ako pero iba pa rin kapag may kasintahan ka. Korni ng tawag ko noh. Sa loob kasi ng dalawampu't limang taon ko sa mundo, hindi ko pa nararanasang magkaroon ng mamahalin. Lagi kong sinasabi, gusto kong ma-heartbroken at umiyak sa tabi ng poste na kulay dilaw ang ilaw habang umuulan tapos gabi ang setting. Kasi in order for me na maramdaman yun, kailangan ko munang magmahal ng todo. Nasan kaya ang lalaking magpapatibok ng puso ko at mamalin ako ng bongga. Yung tanggap kung sino at ano ako. Hay...
Kailan kaya ako may makakasabay kumain?
Hanggang kailan kaya ako kakain ng chocolate para maibsan ang kalungkutan?
same here with your situation...i'm asking also that to myself, well i guess that's life we keep finding an answer but we can't. I'm just putting it this way "Sometimes the Greatest Questions don't need an answer" = )
ReplyDeletewish you will find the man of your life...i wish me also the same