Bonding kami ng kaibigan kong si
Aly kahapon at napagkasunduang manood ng sine. Bet ko sana
Thy Womb pero todo tanggi ang bakla. Ayaw daw niya ma-bore at gusto niya tumawa. Sinubukan ko siyang kumbinsihin kaya lang nakiayon pati
Trinoma Cinema dahil walang Thy Womb na palabas. How sad :'( kaya ending,
Sisterakas. Sponsor naman niya so wit na ako tumanggi sa grasya.
Sisterakas (2012)
Star Cinema & Viva Films
Directed By Wenn V. Deramas
Starring Vice Ganda, Kris Aquino and Ai Ai Delas Alas
Kung napanood niyo na ang trailer, malamang alam niyo na ang plot ng pelikula. Anak sa labas si
Totoy (Vice Ganda) at kapatid niya si
Bernadette (Delas Alas). Mahigpit na katunggali niya sa negosyo si
Roselle (Aquino) at dito umikot ang istorya. Simple. Walang pala-palabok.
Hhhmmm... natawa ako sa pelikula, hindi nga lang marami. Ang daming korni at pinilit na eksena. Walang makakapantay kay Ai Ai pagdating sa comedy. Siya pa rin talaga ang reyna dito. Shining moment ni Kris ang pagsayaw ng
Rub Ba Da Bango. Hagalpakan sa loob ng sinehan. 'Di ko kinaya kasi nakakatawa talaga! Buti napapayag siya na gawin 'yun. At si Vice, well... walang bago. Kung ano siya sa
Petrang Kabayo at
Praybeyt Benjamin, ganun din siya dito kaya 'di na nakakatawa.
May napansin din akong inconsistency. Sa film making, they call it continuity at mahalagang aspeto ito. Isa dito ang unang eksena ni Vice wearing white gown. Bababa siya ng sasakyan showing his legs na walang suot na net stockings. Papasok siya ng opisina at sasakay ng elevator. Dito mapapansing may net stockings na siya. Aakyat siya sa rooftop dahil balak magpakamatay ng empleyado niya played by
Melai Cantiveros. Waley net stocking ditey.
Napuna ko rin ang props and designs ng pelikula. Unang ipapakita sa pelikula ang pabrika ng
Cara Cruz. Suot ng mga empleyado ang blue na damit na may logo ng kumpanya. Dito mapapansin na sticker lang ang ginamit instead of silk screen na madalas gamitin sa totoong buhay. Pati prosthetics na baba nung batang Ai Ai, halatang halata. To sum it all, parang minadali. That's sad because moviegoers expect to see great production dahil mainstream movie ito. Meaning may budget para gawing bongga at malinis ang kabuuan ng pelikula.
Nanalo itong
3rd Best Picture sa
Metro Manila Film Festival at
Best Supporting Actress para kay
Wilma Doesnt. Is it worthy? Wit ko alam bilang ito pa lang ang napapanood kong MMFF entry.
Rating: 2/5 stars