Saturday, June 30, 2012

Pader

Babala: Ang susunod na eksena ay kathang isip lamang at nangangailang ng Striktong Patnubay at Gabay. May maseselang tema, karahasan, droga, lenggwahe, sekswal at katatakutang maaaring hindi angkop sa mga normal na tao. 

Pasado ala-siete ng gabi. Sakay ng jeep si Bb. Melanie. May ngiti sa kanyang labi dahil sa excitement na makapiling ang mister. Nangangailangan nang ibabad sa Ariel ang suot niyang white polo at puro himulmol na ang black pencil cut skirt na may slit sa kaliwang hita. May run na rin ang kanyang  stockings at nakanganga ang black sandals. Matapos ng ilang kanto ay pumara na siya at naglakad papuntang karinderya.

Bb. Melanie: Aling Maring, dalawang order nga po ng pritong isda at kanin. Pahingi na rin po ng sabaw. Sa katapusan po ang bayad ah.

Padabog na ibinalot ni Aling Maring ang order niya. Yamot na ang matanda sa haba ng utang ni Bb. Melanie.

Pagkaabot sa inutang, dali-daling siyang pumasok sa isang masukal at madilim na eskinita. Muntikan pang madulas dahil basa ang dinaraanan. Spell atat.

Malayo pa ang kanyang nilakad bago marating ang tinutuluyang bahay. Agad niyang binuksan ang pintuan na gawa sa yero at nahindik sa kanyang nakita...

Image courtesy of Inez Moro Photography
Sino ka? Anong ginagawa niyo ng asawa ko? Aba'y mga %$#@!*+ ina niyo!

Naihagis ni Bb. Melanie sa gilid ang biniling pagkain at parang leon na sinugod ang mestizang babae. Mabilis na naiharang ni lalaki ang kanyang katawan at nang magkaroon ng tiyempo, agad agad na tumalilis ang tisay.

Sino ang malantod na 'yon? Kelan mo pa ako niloloko?

Parang walang narinig si lalaki at pinulot ang plastic ng pagkain sa gilid. Tumalikod ito kay Bb. Melanie at pumunta ng kusina. Parang asong ulol na sumunod ang bakla. Kumuha ang lalaki ng isang plato at ibinuhos ang kanin. Isinalin sa mangkok ang sabaw, kumuha ng ulam, umupo sa bangkito at nagsimulang himayin ang isda.

Halos mamatay ako sa kaka-overtime para lang sa'yo pero eto pa ang ginawa mo. Puros varicose veins na nga ang binti ko kakatayo sa mall! Kung gusto mo pala ng blonde, sana sinabi mo sa akin. Pwede naman akong magpakulay eh. Ano bang meron ang babaeng 'yon na wala ako? SABIHIN MO! (long pause) SAGUTIN MO AKO! (long pause ulit)

Focus ang camera sa mukha ni Bb. Melanie. Kitang kita kung gaano kaitim ang luha niya dahil sa natunaw na eyeliner. Kumalat na rin ang eye shadow niya at hindi na pantay ang Ever Bilena Oriental funda. Panaka-naka ay may lumalabas na uhog na kung hindi sisinghutin ay nakakariding makita.

Panay ang subo ni lalaki ng pagkain. Sarap na sarap at walang pake sa paligid. Ang sarap din siguro niya. Hihihi...

Uurong si Bb. Melanie sa pader na gawa sa sira-sirang plywood at mag e-emote. Dahan dahang uupo sa sahig habang panay ang hikbi at iyak na humahalo sa sipon. Yak.

Ma..saya ta..yo sa si..mu..la ng relasyon na..tin. Kahit tu..tol ang ma..ma at pa..pa, bi..nale..wala ko si..la da..hil sa pag..ibig ko sa'yo. Ti..na..liku..ran ko ang la..hat pa..ra maka..pi..ling ka lang pero bakit mo ako gi..na..gani..to? Ang sa..kit... ang shakit shakit.

Direk: CUUUTTT!!! Ano ba 'yan Melanie! Hindi ka na namin maintindihan. Isinga mo na 'yan!  May limang eksena pa tayong kukunan. We can't afford to delay the shoot. Sa isang araw na sisimulan ang editing.

Bb. Melanie: Opo direk. Ready na po ako.

Direk: Okay. Standby. Ulitin mo 'yung eksena sa pader. Dapat damang dama at hindi puro iyak. 4...3...2...1... AKSHUN!

Friday, June 29, 2012

Siyasat

Sakay ako ng jeep papuntang Sto. Domingo Church nang aksidente kong nasight ang Video48 sa may tapat ng Metro Comedy Bar along West Ave. Kyusi. Sa mga classic Filipino movie fan na tulad ko, kilala ang ang Video48 blogspot bilang numero unong source ng impormasyon tungkol sa mga sinaunang pelikula.

Kaya last Tuesday, after ng session ko with my dentist sa Anonas ay ditey na ako dumiretso. May nakapagturo rin kasi na dito raw ako makakahanap ng rare copies ng mga pelikulang bet kong mapanood. 

Pagpasok ko sa tindahan, tumambad sa akin ang wide video collections from Laser Disc, VHS, VCDs at DVDs. Marami din laruang naka-display sa eskaparate at posters ng lumang pelikula. Todo siyasat sa bawat makita. Parang ayaw ko nang umuwi.

Lumapit kay ateh sa counter at nag-inquire kung nagbebenta sila ng lumang pelikula. Oo daw. 150 per copy.  Medyo pricey kumpara kay Ligaya Master pero okay lang. 'Di hamak na mas bongga naman ang tindahan na 'to. Chareeeng lang Aling Ligaya! 

Paikot-ikot muna ang mata ko sa paligid. Nalula ako sa dami ng koleksyon! May isang lumang pahina ng Darna komiks na naka-frame. Pina-blow up yata ang first page kung saan makikitang nag-aaway sina Valentina at Darna. Naalala ko tuloy 'yung I-Witness episode ni Howie Severino tungkol sa nawawalang Darna movie. 

Matapos mabusog ng aking mga mata eh ask na ako kay ateh kung may kopya sila ng Paru-parong Itim at Bakekang ni Ate Guy pero wa-i. Buti na lang at merong Rubia Servios ni Ate Vi. Matagal ko nang gustong mapanood ito dahil sa clash nila ni Ate Guy sa MMFF Best Performer award. Bet kong ikumpara ang performance nila. Magpapaka-feelingerang judge ako. 

Feel ko ulit pumasyal ditey. Kung pwede eh mamamasukan na lang ako sa kanila at stay-in pa. Tindera na, guardenia pa. CHAR!

Wednesday, June 27, 2012

Batikan

Image courtesy of PEP.ph
Tuluyan nang nagupo ng sakit na leukemia ang master director na si Mario O'Hara. Siya ang direktor ng halos lahat ng paborito kong Ate Guy movies; Tatlong Taong Walang Diyos, Kastilyong Buhangin, Bulaklak sa City Jail at Bakit Bughaw Ang Langit. Sa Babae Sa Breakwater siya mas nakilala ng batang henerasyon dahil humakot ito ng mga parangal at isa dito ang international award ng baguhan na si Katherine Luna.

Tatlo sila nina Lino Brocka at Ishmael Bernal na malaki ang naiambag sa Philippine Cinema dahil sa kakaiba nilang estilo sa paggawa ng pelikula. Karamihan sa mga iyon ay tunay na klasiko at magpasahanggang ngayon ay pinag-uusapan. Bukod sa pagiging direktor, isa din siyang batikang screenwriter at naging aktor din sa pelikula at teatro.

Siya ay namatay sa edad na 68.

Monday, June 25, 2012

Miss World Philippines 2012 winners

Image courtesy of OPMBworldwide.com
Ipinasa na ni Gwendolyn Ruais kay Queenierich Rehman ang titulo bilang Miss World Philippines. Ang koronasyon ay naganap kagabi sa Manila Hotel at napanood ng 'sangkabaklaan sa TV 5. Bukod sa korona at sash, nakapag-uwi din siya ng pitong ispeshal awards: Best in Swimsuit, Miss Photogenic, Miss Talent (together with Loraine De Guzman), Miss World Traveler, Miss Philippines Prudential, Miss Pantene at AMAzing Beauty and Brain. Ayaw ng awards sa kanya ah!

Image courtesy of Missosology.info
First Princess si Mary Ann Ross Misa, Second Princess si Vanessa Amman, Third Princess si April Love Jordan at Fourth Princess naman ang byuti ni Brenna Gamboa. Ang bongga ng korona nila, parang hinulma sa cup cake. CHOS! 

Sa mga hindi nakakaalam, si Queenie ay ka-batch ni Shamcey Supsup sa Bb. Pilipinas 2011 kung saan isa siya sa semifinalists. Siya din ang tinanghal noon bilang Best in Swimsuit. Next month na ang lipad niya papuntang Ordos, Inner Mongolia para sa Miss World 2012. Isang malaking GOODLUCK sa'yo Queenie. Sana ikaw na!

Saturday, June 23, 2012

Kinabukasan

Ibinalita last Tuesday sa TV Patrol ang nakakabahalang pagdami ng bagong HIV/AIDS cases. Sampu kada araw na ang nahahawaan nito ayon sa DOH. Nasa mahigit sampung libo na ang reported cases at maaaring madoble ang bilang nito sa hinaharap kung hindi maaagapan.

Maaaring ako, ikaw, sila, tayo ay meron nito ngunit hindi lang natin alam. 'Yung iba, natatakot magpatingin. Paano kung mag-positive? Eh paano kung negative? Hindi mo ba nais maberipika ang katotohanan. Luma man pakinggan pero the truth shall set you free. At merong mga taong willing tumulong sa iyo...

 
Bukas, June 24 ay may HIV testing ang The Love Yourself Project na gaganapin sa Replay Spa, 35 West Avenue, QC. 'Wag mag-alala at confidential ito at libre. Umeffort kang maligo, magbihis at pumunta. Isipin mo na lang, para sa kinabukasan ito hindi lang ng sarili mo kundi ng mga taong nakapaligid sa'yo.

Pindutin dito para sa karagdagang detalye.

Friday, June 22, 2012

Hawak

Ay! Papa P, ano 'yang hawak mo?

Image courtesy of Dra. Vicki Belo
Ang pink pink naman hihihi...

First time

Noong una eh hindi ako masyadong na-enganyong panoorin 'to. Parang walang appeal para sa akin. Pero dahil sa kabutihan loob ni Ateh Paul at ilang beses niyang pag-aaya eh pinanood namin 'to kahapon sa SM North. Nag-enjoy ako ng bongga dito. May chemistry sina Coco Martin at Angeline Quinto at maganda ang takbo ng istorya. Madami ang nag-akala na rom-com ito pero romantic-drama pala. Kumbinsing ang akting ni Angeline kahit first time niya sa big screen. Raw at natural kaya masarap panoorin. At si Coco, wala... wala akong masabing hindi maganda sa kanya! Alam naman natin na magaling siyang aktor. First time din niyang magpakilig ng manonood at hindi naman sila fail doon.

Isa pang maganda sa pelikula eh ang crisp ng film. Kahit na ordinaryong lugar lang ang setting, ang ganda ng rehistro sa screen. Maganda ang lighting na ginamit lalo na dun sa eksena ng dalawang bida sa ibabaw ng kotse at habang naglalakad sa Luneta.

PAK na PAK din ang istorya na mabilis ang pacing. Walang dull moments at higit sa lahat... hindi korni. Masaya at magaan sa pakiramdam ang pelikulang ito kaya kung 'di niyo pa napapanood, watch na habang palabas pa sa ilang sinehan.

Tuesday, June 19, 2012

Darna at Dyesebel

Miss na miss ko na talaga ang magbasa at mangolekta ng lokal na komiks. Mukhang malabo nang magreincarnate ang idustriyang ito. Sinubukang buhayin ni direk Carlo J. Caparas noong 2007 ngunit nahinto din matapos ng ilang labas.

Sina Darna at Dyesebel ang dalawa sa pinakasikat na karakter na nagmula sa komiks. Sila'y likha ni Mars Ravelo na parehong lumabas sa mga pahina ng Pilipino Komiks. Ang inyong mababasa ay mula sa 50th anniversary issue ng nasabing komiks na lumabas noong Hunyo 17, 1997.



*Open the images in new tab for larger version.

Monday, June 18, 2012

Top

I would like to thank lolah Madonna's Girl Gone Wild music video at sa wakas, nakita ko na ang lalaking papawi sa aking pagkauhaw at pagkahayok sa laman! Mahigit dalawang taon din akong natengga kaya intense agad ang naramdaman ko nang makita ko ang pag-emote emote niya sa video. Todo search ako sa impormasyon about him at eto ang nakalap ko...

Sean O'pry ang pangalan niya, tweyni two years young at isang Amerikano. Year 2007 nang ma-discover siya sa MySpace ni Nole Marin na dating ANTM judge. Simula noon eh bumongga na ang career niya. Kinikilala siya ngayon bilang isa sa top male models sa buong mundo. Pwede bang siya din ang top sa mundo ko? CHARAT! 

More piktyurakas...

 Tunaw ang panti ko sa titig niya

Ang laki laki! Ang sharap sharap!

Bet ko namang masubsob sa gitna

Nakaka-high sa linamnam!

See him in motion. Warning: Extreme flooding is expected. Please use double layer quick dry pantiliner. Hihihi...

Saturday, June 16, 2012

Bulto

Palagi akong nasasabihan na pang-Miss Gay ang byuti ko dahil sa tangkad at katawan ko. Siyempre nakaka-flatter dahil sumagi din naman sa isip ko ang rumampa in bonggang evening gown at kumendeng in two piece. 'Yun nga lang at hindi ako nabigyan ng chance. Bukod sa mahiyain ako (weh), hindi rin ako confident kung magbibikini akiz. Mabuti sana kung 'sing flawless ko si Cristine Reyes. Pero sabi nga nila, walang problemang hindi nasosolusyonan ng concealer at bulto-bultong funda.

Twice na akong nakapanood ng Miss Gay sa Krus na Ligas. Panalo talaga ang mga sisterets nating beauconera. Kabog sa national costume na world-class ang arrive. 'Yung iba halos hindi na magkasya sa stage sa todong laki. Mas malaki pa yata ang ginastos nila sa premyong ipamimigay. Ngunit walang presyong katapat ang kaligayahang dulot ng sash, korona at titulo

Ang dami kong kuda! Ang sasabihin ko lang naman eh na-inspire akong sumali (baka next year) dahil sa kanila...

Manila's Five Prettiest official candidates
Top: Ellyza Mae Miyazaki
2nd row: Britney Rojas & Jennah Fernandez
3rd row: Marie Lourdesa Javier & Pretty Jerwin Alcazar

Pero mag-iipon muna ako ng lakas ng loob at tibay ng dibdib. Baka sakaling makatulong kung nonomo ako...

Tagay tayo mga 'teh! 

Thursday, June 14, 2012

Malayo pa

Can I Just Say...

...nakakasuka ang mga pulpolitikong panay ang pa-interview sa media para sa nalalapit na eleksyon. To think na malayo pa ang campaign period pero todo na ang kanilang airtime kahit 'di naman national issue ang problema nila. Araw-araw na lang ah! NAKAKALOKA!

Nagsisipagsulputan na rin ang mga "paramdam" banners at posters ng mga diumano'y tatakbo sa 2013. May nakita nga akong van na may bonggang tarpaulin ng isang babaitang naka line-up sa senatorial slate ng isang partido. Definitely, I'm not going to write her name on the ballot. Aktwali hindi lang siya kundi lahat ng mga reelectionists at aspiring politicians na maagang nagpaparamdam at hindi marunong sumunod sa campaign period ayon sa Omnibus Election Code of the Philippines. Para sa inyong kaalaman mga ateng, the campaign period is:
  • 90 days before the day of election for Presidential and Vice-Presidential Elections
  • 45 days before the day of election for Senatorial, Congressional, Provincial and City/Municipal Elections
  • 15 days before the day of election for Barangay Election
  • 45 days before the day of election for Special Elections
The campaign period does not include the day before and the day of the election.

Simpleng simple! Malinaw pa sa tubig na iniinom ko. Next year pa pwedeng mangampanya. Kaya as early as now, tinitingnan ko na kung sino ang tume-take advantage sa media para sa exposure. Truly, election is not fun in the Philippines.

Tuesday, June 12, 2012

'Di bale

Before Ronna, my officemate, resigned from her position and pursued her dream as an educator, we had this small talk about our history and independence. Oh hanggang diyan na lang ang Ingles ko at baka hindi ko matapos ang vlag na itey. Topic namin kung bakit kalayaan mula sa mga Espanyol ang ipinagdiriwang natin. Eh de vaaah tatlo sila ng mga Amerikano at Hapon na um-invade sa atin? Bakit hindi 'yung kalayaan natin mula sa Hapon ang pinagdiriwang? Dahil ba 'yan sa longevity ng pananakop kaya mga mestizo ang wagi?

Independence Day is now on its 114th year. The biggest celebration of this day was in 1998, the centennial year. I was in Grade 6 and Erap's about to sit as the new president. Inaatake na naman ako ng Ingles sin-drome. CHAR!

Doon sa conversation namin ni Ronna, natanong niya kung talaga bang malaya na tayo o nagpapasakop na naman? Of course in a different way hindi 'yung may dadaong na barko, magkakaroon ng sandugo at magtatagisan ng lakas at armas. Ngayon, tayo naman ang willing na magpasakop by working abroad. Aalis ng bansa para makapagtrabaho at kumita ng mas malaki. 'Di baleng malayo sa pamilya basta matustusan sila. 'Di baleng malupit si amo basta makapagpadala lang ng dolyar at imported goods. 'Di baleng malamig ang klima basta may pambili ng gamot sina inay at itay. 'Di bale... darating din ang independence day nila. Uuwi sa bansa at makakasamang muli ang pamilya.

Monday, June 11, 2012

Dagdag

Marami ang shakira whenever wherever sa pagkaluzviminda mirasol ni Manny P. laban kay Timothy Bradley yesterday. 'Di ako masyadong na-sad hindi dahil sa 'nasuntok' niya tayo sa isyu ng kanyang paniniwala kundi dahil sa buhay ng isang tao, darating at darating talaga ang panahon na hindi ikaw palagi ang nasa itaas. Bababa ka rin at may papalit sa'yo. Natalo man siya eh winerva pa rin naman siya sa mata ng mga manonood. Ibang level pa dahil bukod sa local artesta natin, sina Justin Timberlake, Oscar De La Hoya at Khloe Kardashian ang ilan sa sa internashonal stars ang 'di matanggap ang resulta.

Obvious na lamang ang Pambansang Kamao kaya feeling ko eh scripted ang pagka-olats niya para may part 2 ang laban. Dagdag kita kay Bob Arum. Kapag wagi siya diyan, magkakaroon ng part 3 para magkaalaman kung sino talaga ng magaling. More profit, more fun!

Saturday, June 9, 2012

Eto ka

Some five years ago nang malulong ako wit sa droga kundi sa pagpaparty. Nagsimula 'to nang salubungin namin ni Ali sa Eastwood City ang bagong taon. Almost every Saturday yata ng first quarter of 2007 eh laman kami ng Decades. Oo, doon lang muna kami dahil walang entrance fee. Buy ka lang ng drinks and you can dance all night long. Eh hindi naman ako drinker so kahit mag-uumaga na eh puno pa rin ang bote ng San Mig Light. Sikat na sikat ang Embassy bar noon at pinangarap naming dalawa na makapag-party doon. Bago matapos ang taon na 'yan eh natupad naman ang aming pangarap salamat sa pa-GL (guest list) ng friends ni Ali. Bonus pa at nakatuntong din kami sa Club Jaipur.

Matagal bago naulit 'yan. Bukod sa mahal ang pamajack papuntang The Fort eh kailangan mong magpaysung ng entrance kung hindi ka GL. Unti-unti na rin akong nagpahinga sa pagpaparty dahil dalawang beses na magkasunod akong na-ospital. Kelangan ipahinga ang bodacious body.

Bb. Melanie, Ali and Daniella
One time eh nagkayayaan ulit doon. First time kong ma-meet ang dalawang mujeristang sina Daniella at Roa (no picture eh). Apat kaming super party pero outcast ang japorms ko (ang luma ng term). Tatlo kasi silang naka-dress samantalang naka t-shirt at jeans akiz. Dating hindi cross-dresser si Ali pero nung natutong mag-heels at dress, non-stop ang loka sa bonggang pagfa-fashown! Enter muna kami sa Hierarchy dahil doon kami unang na-GL. Puro bagets ang crowd at bentang benta ang diyosang si Roa. Nang ma-bore ang byuti namin, gora kami sa Embassy. Mahaba ang pila sa mujer at doon pumila ang tatlong kasama ko. Bilang hindi naman ako naka-bihis babae that time at mainipin akiz, sa boys line na lang ako pumila. Pero obvious naman na mekler ako, naka-checkline ang eyes at shoulder length na noon ang aking curly hair. Dahil maraming utaw, umakyat na ako sa hagdan papuntang second floor. Akala ko naman eh nakasunod lang sila. Nag-antay muna ako ng ilang minuto sa taas ang tinext kung nasaan sila. Wa reply si Ali. Alangan naman mag-solo flight akekels sa pag-dance kaya bumaba ako at tinanaw sila sa entrance. Wala. Umexit ako sa may gilid na pintuan at tiningnan kung nasa pila pa sila. Andun sila sa bandang harap at inaantay akiz. Wit daw silang pinapasok dahil cross-dresser sila. PFFT!

Fast forward tayo ngayon 2012. Napabalita kahapon na limang transgenders ang hindi pinapasok sa Icon bar located in Makati Citeehhh! Ayon sa article na nabasa ko dito, isa sa patakaran ng bar ang hindi pagpapapasok ng cross-dressers. Dati daw ay pwede pero "felt violated" daw ang mga authentic girls kapag ginagamit ng trans ang CR nila kaya pinagbawal. HUWAW! Balidong excuse ba 'yan?! Parang ambabaw yata. Bigla tuloy nag-flashback sa akin 'yung kinuwento ko sa taas. Nakaka-trauma kasi ang ganyang experience. Todong nakakababa ng morale. You went there to party and be happy yet hindi ka pinayagan dahil sa eto ka... isang tao na nagpapakatotoo.

Image courtesy of Interaksyon.com
Ang sa akin lang, umuusad na ang panahon at kasabay sana nito eh ang pagbabago o pag-extend ng ilang bagay sa mga taong belong sa LGBT group. Kung ang iPhone nga ilang beses nang na-update at na-improve, bakit hindi ang ilang policies and rules na hindi naman mahirap i-modify.

Nga pala, matapos ang hindi kagandang experience namin eh hindi na kami umulit doon. Sa kahabaan na lang ng Tomas Morato kami rumampa kung saan tanggap at 'di limitado ang aming kasarian.

Friday, June 8, 2012

"Reasons" to watch Aryana

Pagsapit ng ala-singko ng hapon tuwing weekdays, kailangan tapos na ako sa aking gawain at todong nakatunganga na sa TV. Lately eh pinapantasya ko si Edward Mendez ng Hiyas. Okay, baka sabihin niyo tungkol na naman 'to sa kanya. Well, bukod sa kanya eh nadagdagan na naman ang aking prince charming sa fantasy land. Salamat sa seryeng Aryana at sa magandang kwento nito eh may isang pang rason kung bakit kailangan tutukan 'yan ng 'sangkabaklaan... si Dominic Roque AKA Hubert.

Isa siya sa love interests ng bidang sirena. 'Wag magalala mga ateng at 21 years old na siya sa totoong buhay kaya legal na siyang pagpantasyahan. He's taking up Tourism sa College of St. Benilde. Baguhan pa lang sa showbiz at mukhang bini-build up as bonggang star. Nasa dugo naman niya ang pag-aartista bilang tiyahin niya si Beth Tamayo. Ang red red ng leps niya mas lalo na kapag nag-smile. Ahahahaaay... I melt.

Kaloka ang eksena niya kahapon sa pool. Hinubad lang naman niya ang basang t-shirt sabay piga sa ulo ni Aryana. Sharap! Eto oh...


*Images from Pinoyexchange.com

Tuesday, June 5, 2012

Nasukol

Thanks to Mareng Lee for refreshing me sa isyu ng mga joldaper sa bus. Swerte natin at malas nila dahil mukhang isa isa na silang nalilipol. Huling linggo ng Abril ng mateggie agbayani ng isang parak ang isa sa dalawang holdaper at ito'y naganap sa kahabaan ng EDSA-Makati. Wit knows ng mga joldaper na may kasabay silang pulis sa loob. Habang may I get sila ng mahahalagang gamit ng mga pasahero, nakatiyempo si SPO2 Herbert Baylon at binaril ang isa. Ginawa naman niyang shield ang katawan nito habang niraratrat ang natira ngunit ito'y nakatakas. Proud na proud ang 'sangkapulisan sa kanya. Sana'y mapromote siya at dumami ang tulad niya. PAKAK!

Kabaliktaran naman niyan ang ikalawang insidente na nakunan pa ng video at ipinalabas sa TV. Dalawang pulis patola ang kasabwat ng mga joldaper. Ang siste, matapos holdapin ang bus eh to the rescue sila. Kunwaring tagapaglitas 'yun pala eh karamay sa krimen. Lilituhin ang mga biktima para mas makalayo ang mga joldapers. Siyempre belong sila sa hatian ng kita. Eh nasukol ang modus nila! Ayun, tsugi ang isa matapos mabaril sa dibdib. Hindi na rin pinahirapan nung isa ang imbestigasyon at umamin siya. Wala naman siyang magagawa kasi caught on video ang fes niya. Kahihiyan naman ang dulot niya sa 'sangkapulisan. For sure manure eh kalaboso ang bagsak niya. Sey bye bye na rin sa kanyang propesyon at lisensya. TSEH!

Monday, June 4, 2012

Baon

Mga anak, unang araw ng pasukan ngayon. Gumising na at baka kayo'y mahuli. Nakapagluto na ako ng agahan... sinangag at pancit canton. Pagpasensyahan niyo na't yan lang ang nakayanan ko. Konting tiis muna. Hindi pa kasi nagpapadala ng pera ang tatay niyo. Noong isang taon pa ang huli niyang padala. Hindi na rin siya tumatawag. Sana naman mali ang hinala kong may iba na siyang pamilya. Pag-igihan niyo ang pag-aaral at 'yan lang ang tangi kong maipapamana sa inyo.

Oh sige kain na muna kayo at isasampay ko lang ang tanggap kong labada. Iniwan ko na rin sa may tokador ang masarap niyong baon...

Diego Furoni
Huwag madamot mga anak. Matutong magbahagi ng grasya. 

Miss USA 2012

Sa mga hindi pa nakakapanood eh spoiler ito. Anyways, sa bilis ng balita sa internet eh malamang alam niyo na rin itech. Si Miss Rhode Island Olivia Culpo ang winerva munsod palma sa Miss USA 2012. Olats ang mga betchikels ko na si Miss Virginia (non-placer), Miss Texas (top 10) at Miss Ohio (2nd runner-up).

Pasok sa top 5 sina Miss Nevada at ang black byutis nina Miss Georgia at Maryland. Nagkatalo talo lang sa Q&A portion kung saan maayos na naitawid ni Olivia ang sagot niya sa katanungan tungkol sa transgenders na bet jumoin sa Miss U.

Abangan natin kung pasok din siya sa Miss Universe sa darating na Disyembre.