Sunday, December 26, 2021

Maliit o Malaki

Kumustasa ang Pasko niyo, mga ateng? Nawa'y nabundat at naging maligaya kayo. Ikalawang selebrasyon na natin ito na kasama si Aling Covida at kahit mas maigi ang lagay kumpara noong isang taon, may pangamba pa rin sa tuwing lumalabas. Buti na lang at mas madali na ngayon ang access sa bakuna. Kung eligible na kayo sa booster shot, magpaturok na. Basta lagpas 3 months na noong nagpa-second dose kayo o 2 months sa primary single-dose vaccine, pwedeng-pwede na. 

May pahabol palang mga larawan ang #TabangLadlad ng Ladlad Party-list kung saan ipinamahagi nila ang ating donasyon sa Golden Gays at Brgy. Kapitolyo sa Pasig

***
Nitong mga nakaraan eh wala akiz ginawa kundi magpatugtog ng Christmas songs bilang nakaka-lift talaga siya ng spirit. Lakas maka-good vibes lalo kapag medyo down ka. Staple na sa playlist ko ang Christmas albums nina Mariah Carey, Christina Aguilera at Kylie Minogue. My trifecta of Christmas melodies kumbaga. Nitong nakaraan din eh nahilig ako sa mga Pamaskong kanta ng OPM artists. More on the songs na lumabas noong '80s tulad ng Kampana ng Simbahan, Sino si Santa Klaus, Sa Paskong Darating atbp. Buti na lang at meron pang kiosk ang Universal Records sa Fishermall kaya namili tayo. Bagong dagdag sina Regine Velasquez at Salubungin ang Pasko by various artists.

Maybe it comes with the age pero iba talaga ang epekto ng musikang Pilipino lalo na kapag Pasko. Parang ibinabalik ka sa pagkabata kung saan maraming kang masasayang alaala kasama ang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 'Yung sama-sama kayong sinasalubong ang pagpatak ng alas-dose ng umaga sabay kain ng Noche Buena. Kinabukasan eh mamamasko sa mga ninong at ninang at matutuwa sa malulutong na tag-lilimang pisong papel. Ang sarap balikan ang pagkabata! Ngayon eh tayo na ang aligaga sa kung ano ang ihahanda at ipapamasko sa mga inaanak. Tapos wala na tig-bebenteng papel ngayon. KALOKA!

***
Kung naging masagana ang Kapaskuhan natin, meron naman sa ating mga kababayan ang wala ni pader o bubong na masisilungan dahil sa hagupit ng bagyong Odette. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero hirap pa rin maiabot ang tulong sa kanila. Kaya naman kung may maitutulong tayo, halikayo't mag-donate ng kaperahan o kahit anong mapapakinabangan nila. Walang maliit o malaki sa panahon ng pagdadamayan kaya kung ano ang kaya, ibigay natin. Heto ang dalawa sa pwede nating pagdalhan ng ating mga donasyon:

Saturday, December 18, 2021

Pinakyaw

Kung natatandaan niyo, nagkaroon tayo ng online tiangge noong Hunyo. Overwhelming naman ang suporta na nakuha natin dahil pinakyaw ang ating paninda. As promised, ang proceeds ay itutulong natin sa mga ateng na nangangailangan. Matapos matanggap ng huli nating suki ang package noong Oktubre, naghagilap ako sa Facebook ng charity na tutulungan. Napili natin ang proyektong #TabangLadlad ng Ladlad Party-list.

Nakipag-ugnayan tayo sa kanila via email para malaman kung ano ang kailangan nila. Foodpacks tulad ng bigas, noodles at de lata. Kahit ano naman daw ay pwede basta mapapakinabangan.

Nakalikom tayo ng 6,700 pesosesoses at para ma-observe ang physical distancing, nag-grocery online na lang ako sa Waltermart app. Heto ang breakdown ng ating mga pinamili, click niyo na lang para lumaki ang imahe:

Hindi natin naubos ang pondo at nag-refund pa ng tatlong piso ang Waltermart dahil sa substitution of products. Kaya naman nag-donate tayo ng cash sa kanila at pinadala via GCash. Heto ang proof of transfer:

Muli, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta. I hope na-enjoy niyo ang mga magazines habang nakatulong sa ating mga kapuspalad na kapatid. Pinasaya niyo ang kanilang Pasko. 

Sana'y magkaroon muli tayo ng online tiangge next year. Sa mga nakakabasa nito, kung sino man sa inyo ang may mga lumang Chika-Chika o Pinoy magazines na gustong i-donate, maari kayong mag-email sa ating kaharian.

MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG! 🎄

Sunday, December 5, 2021

Toro

A few days ago, may nakita akong posts sa Facebook at Carousell na nagbebenta ng VCDs. Filipino sexy movies na ang karamihan ay naipalabas noong late '90s to early 2000s. Dahil fan akiz ng mga pelikulang 'yan at morayta lang ang bentahan, binayla ko ang ilan. Isa sa mga nakuha ko ang kontrobersyal na pelikulang Live Show.

Toro ang original title nitey pero wiz pumayag ang MTRCB noon. Una ko itong napanood nang mag-leak ang director's cut o international edition sa pirata. Nakakaloka ang sex scenes dahil give na give sa torohan ang mga bida. Ang karakter ni Gigi na ginampanan ni Klaudia Koronel ang pinakapaborito ko sa lahat. Paano ba naman, bungangera, ambisyosa, pero matulungin sa pamilya at mapagmahal na kaibigan. I can relate CHOS! Back to sex scenes, na-shock talaga ako sa helicopter position na wala sa official release. Tandang-tanda ko na sinabayan 'yung ikot ng elisi ng ceiling fan. PAK NA PAK!

Live Show (2000)
Regal Films and Available Light Production
Written and Directed by Jose Javier Reyes
Starring Klaudia Koronel, Ana Capri, Hazel Espinosa, Simon Ibarra and introducing Paolo Rivero

Bata pa lang ay mulat na si Rolly (Rivero) sa pagpuputa ng nanay niya para mapakain silang magkakapatid. Pinagputa din ng nanay niya ang kapatid na babae samantalang inaakit ng masasamang gawain ang bunsong kapatid. Manhid na si Rolly sa mga pagsubok ng buhay kaya kahit gaano man kahirap, hindi na siya naiiyak.

Pinamigay ni Rosita (Capri) ang anak sa isang kaibigan na siya namang ibinigay nito sa ibang pamilya. Matapos ang ilang taon, nais niyang makilala at mayakap ito. Hindi na rin kasi siya maaaring magkaanak dahil sa pagpapalaglag. Ilang beses na rin siyang nagtangkang magpakamatay pero ayun, buhay pa ang loka.

Pangarap ni Gigi ang mangibang bansa para makaahon sa hirap. Siya din kasi ang breadwinner ng pamilya. Bukod sa pagtotoro, may jowa din siyang may kaya sa buhay. Hiningan niya ito ng pera pang-Japan na nadispalko naman ng masasamang loob.

Matagal nang tinalikuran nina Vio (Ibarra) at Sandra (Espinosa) ang pagtotoro simula nang magka-anak. Pero dahil hirap makahanap ng trabaho si otoko at kakarampot naman ang kita ni merlie sa pagtitinda, wala silang choice kundi bumalik sa dating gawain.

"Ang tao, lumuluhod sa pagsamba sa Diyos. Pero ang tao, handang humilata at magpakamatay sa pagsamba sa pera. Hindi naman mahirap intindihin 'yon, 'di ba? Kung sino may pera, siya ang may kapangyarihan. Kung sino may pera, siya may karapatang mabuhay. Wala nang kataka-taka doon."
Isa sa pinaka-tumagos na linya sa puso ko eh 'yung sinabi ni Rolly sa taas. Sinabi niya 'yan nang isugod sa ospital ang nanay na may kanser sa matris at wala silang pambayad. Trew naman na kung mapera ka, most likely mapapagaling mo ang sakit mo. Kung tinaningan ka naman, mapapahaba ng pera ang buhay mo. You will get the best medical assistance, habang ang mahihirap, nagtitiis sa mainit na ward, nangungutang, o 'di kaya'y lalapit sa mga pulitiko, at pipila sa SWA.

Introducing palang dito si Paolo Rivero pero magaling na umarte. Tunay siyang naging pantasya ng mga milenyal na GBT+. Bumalik tuloy ang aking pagtingin. Hindi rin pahuhuli si fafah Simon Ibarra lalo na doon sa macho dancer number niya. Kilig na kilig ang imaginary kipay ni ateh habang dinudunggol ng notey ang fes niya. SARAP!

Kung marami na kayong napanood na pelikula ni Jose Javier Reyes, napansin niyo na siguro na makuda ang characters niya. Daming ebas bawat eksena at hindi iba diyan ang Live Show. What sets this movie apart from his other works ay smooth ang flow ng script. Hindi may masabi lang.

Relevant pa rin magpasahanggang ngayon ang pelikula. Sa panahon ngayon na madaming negosyo ang nagsara, marami ang nawalan ng trabaho. Hindi naman humihinto ang pagkalam ng sikmura at bayarin kaya ang ilan ay napipilitang kumapit sa patalim. Hindi man sa pagbebenta ng aliw, sa ibang paraan na pinipilit sikmurain.

Rating: 4.5/5 stars

Wednesday, October 27, 2021

Tuesday, October 26, 2021

Restoration Project #1: Pilipino Komiks Blg. 2762

Ramdam niyo na ba ang simoy ng Kapaskuhan? Medyo malamig na sa labas at parang need natin ng mainit na braso ng mga otoko. Kung wala naman niyan, humigop na lang tayo ng Kopiko Brown pangtanggal lamig. CHAR!

Sa pagsisimula ng Christmas season, uumpisahan ko din ang isang bagong series dito sa ating kaharian - ang Restoration Project. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na may koleksyon tayo ng mga lumang komiks, magasins at kung anu-ano pa. Dahil na rin sa deteriorating condition nila, kailangan na silang ma-digitize para ma-preserve at mabasa ng mga susunod na henerasyon. Hindi lang simpleng digitization, matinding restoration ang gagawin. Ang iba kasi dito ay faded na ang kulay o 'di kaya ay masyado nang madilim.

Katuwang ko sa ilang proyekto si Gio Juan, isang OFW based in Italy. This is all pure passion so I hope y'all enjoy this project. 

Narito ang unang labas sa seryeng ito...

Pilipino Komiks
Hunyo 17, 1997
Taon 50 Blg. 2762
Atlas Publishing Co., Inc.

Wednesday, September 1, 2021

Winners of Mister and Miss Supranational 2021

Wala pang isang oras simula nang mag-September 1 pero heto ako't nagpapatugtog na ng mga Pamaskong kanta. Isinalang ko ang My Kind of Christmas CD ni Christina Aguilera para chill muna. Habang sinusulat ko ito eh bigla kong na-miss ang SM at ang masasayang araw na nakakapag-shopping tayo ng walang inaalalang veeruz.

Bilang pampaswerte, umpisahan natin ang BER months ng mga espesyal na putahe mula sa katatapos lang na Mister Supranational 2021.

Mister Supranational 2021 winners
Out of 34 candidates, si Varo Vargas ng Peru ang umangat sa laban ng patikasan, patalinuhan at pasarapan. Infairness naman sa itsu ni papsy, talagang primera klase. Napaka-gwapo at charming. 1st runner up Abdel Kacem Tefridj (left) ng Togo na sinundan nina William Badell (second to the left) ng Venezuela, Santosh Upadhyaya (second to the right) ng Nepal at ang pinakabet ko sa lahat, si Lucas Muñoz-Alonso (right) ng Spain. Walang tapon sa top 5, lahat pwede pagpiyestahan. 

Mister Philippines and Mister Spain

Pumasok naman sa top 20 ang pambato nating si John Adajar na isang MMA fighter. First time ko lang siya makita sa larangan ng male beauty pageant pero malakas ang arrive niya huh! Sana makita pa natin ang kaseksihan niya.

Nalipat na rin pala sa Miss World Philippines ang local franchise ng Miss Supranational matapos hawakan ito ng Binibining Pilipinas for 8 years. Dahil makailang beses na-postpone ang Miss World Philippines 2021 at para maibahol sa kumpetisyon, nagkaroon ng special selection at si Dindi Pajares ang napili ng kapwa niya candidates. 

Si Dindi ay hindi bago sa larangan ng pagandahan at nakadalawang beses din sumali sa Binibining Pilipinas. Hindi naman niya tayo binigo at ipinagpatuloy ang magandang record sa Miss Supranational by being a top 12 semifinalist. Kay Chanique Rabe ng Namibia ipinasa ni Anntonia Porsild ang korona.

Miss Supranational 2021: Chanique Rabe of Namibia
1st runner-up: Karla Acevedo of Puerto Rico
2nd runner-up: Thato Mosehle of South Africa
3rd runner-up: Valentina Sanchez of Venezuela
4th runner-up: Eoanna Constanz of Dominican Republic

Monday, August 30, 2021

Mitsa

Dalawang araw na lang at matatapos na ang Agosto na siya ring Buwan ng Wika. Natatandaan ko pa noong nasa elementary ako, Linggo ng Wika lang ito. Bida palagi ang imahe ni Francisco Balagtas sa mga programa sa school. Ginagaya pa minsan ng mga guro at estudyante ang mga dahon na nakalagay sa gilid ng kanyang ulo.

Bago dumating ang selebrasyon, ina-anunsyo muna ng eskwelahan ang mga paligsahan na pwedeng salihan. Nariyan ang sabayang pagbigkas, pagtula, at pagsusulat ng sanaysay. I do not remember joining any competition pero nakatatak talaga sa isipan ko ang libro na may malaking WIKA sa cover at may drawing ng mga hayop sa ibaba. Nakatutuwang alaala.

Ngayong araw, ika-30 ng Agosto, ang Araw ng mga Bayani. Tinuturing na modern heroes ang ating mga healthcare workers apero tila ba pinaglalaruan sila ng gobyerno. Todong atrasado ang kanilang benepisyo na dapat ay last year pa pero pautay-utay na binibigay sa kanila. Mitsa ito ng kanilang protesta laban sa DOH at baka maging dahilan pa ng mass resignation. Maiiwasan sana ang eksenang 'yan kung alam ng mga namumuno ang prayoridad ngayon. Eh sa tuwing kukuda itong si Tatay Digz sa kanyang weekly midnight show, puro pagtatanggol pa sa mga incompetent appointees niya ang maririnig natin. Samu't sari pa ang kontrobersyang hinaharap dahil sa mga maanomalyang overpriced transaction. NAKAKALOKA! Kilabutan naman kayo sa ginagawa niyo!

Nakakainit ng ulo itong mga 'to kaya bilang pampakalma, heto ang isang nobela ni Helen Meriz na lumabas sa mga pahina ng Love Story Komiks noong 1983...

Paano Kung Hindi na Kita Mahal
by Helen Meriz & Ben Maniclang
Love Sory Komiks
Blg. 602, Abril 4, 1983
Adventures Illustrated Magazines, Inc.

Sunday, August 29, 2021

Hiringgílya

Last month ay nabakunahan tayo laban sa COVID-19, salamat sa mabilis na responde ng QC Government. Lahat kaming magkakapatid at isang eligible na pamangkin ay naturukan na. Hindi kami pare-pareho ng brand. Sa ate ko ay Pfizer, sa pamangkin ko ay Sinovac, sa bunso kong kapatid ay Johnson & Johnson at Astrazeneca ang sa akin. Salamat din talaga at walang anti-vaxxer sa pamilya namin.

Ang proseso ay mag-register lang sa QC Vax Easy site. After 2 weeks ay nakatanggap ng text para sa schedule. Tuesday ko 'yan na-receive tapos Thursday ang schedule, alas dose ng tanghali sa SM North Skydome. 

Mga 11:55 am ako nakarating tapos walang pila. Medyo nagtaka pa nga ako kasi hinanda ko na ang sarili sa magdamagang pila kasi ganoon ang nakikita kong experiences sa ibang LGU. Bago pumasok, chineck muna ni koya guardo ang text message. After that, binigyan ako ng form para sagutan. Pila na daw kami for initial assessment while filling it out. Pagkatapos ay pinapunta sa isang doctor para sa interview. After makapasa, pinag-antay saglit para sa turukan moment. Abot-abot ang kaba ko dahil sa takot, hindi sa bakuna kundi sa karayom. Bata pa lang ako ay ayaw ko na sa injection pero kailangan harapin.

Pinaupo ako ni ate nurse sa harap niya at kinuhanan ng BP. Pagkatapos ay inilabas ang hiringgílya sa plastic saka sinaksak sa vial. Hindi na ako tumingin, basta itinaas ko na lang ang manggas ng damit at lumingon sa kabilang dako.

"Okay na po. Wait kayo doon at tatawagin ang pangalan niyo." sabay turo sa waiting area.

'Yun na 'yon? May itinarak ba kasi wala akong naramdaman. Expect ko pa naman na aaray ako at baka umabot sa buto ang karayon kasi buo nilang itatarak. Pinagdudahan ko pa na baka wala naman talagang ininject. CHAR! 

Habang nag-aantay sa last step, inaabangan ko na ang side effects. So far, parang normal lang. Natawag ako after more or less 15 minutes at sinabihang bumalik sa Oktubre para sa second dose. Ang laki pala ng pagitan ng 2nd dose ng Astrazeneca kumpara sa ibang brand.

Kinagabihan ko na naramdaman ang side effects. Nilagnat at nagkaroon ng body pains. Para akong nabugbog at feeling nalamog. Napapa-ungol pa ako sa sakit. Hindi ako sanay kasi sa sarap lang ako umuungol. CHOS! Sabado ng umaga na gumaan ang pakiramdam ko at parang walang nangyari.

Read more FAQs on DOH.gov.ph
Maraming benepisyo ang bakuna. Pwede pa rin kayong mahawaan pero bababa ang tsansa na lumala. Ang pinakarason ko ay para maiwasang ma-ospital. JUSKO! Wala tayong limpak-limpak na salapi panggastos sa gamot, ICU, intubation at medical processes. Minsan ay umaabot pa ng milyon 'yan. Alam niyo naman ang sitwasyon ng healthcare sa Pilipinas, kapag wala kang pera, malamang mamatay ka. Sa trew lang tayo, 'no!

Kaya mga ateng, hinihimok ko kayong magpabakuna. Gawin niyo 'yan hindi lang para sa inyo kundi para na rin sa mga mahal niyo sa buhay. Mahirap at mahal magkasakit. Kung may agam-agam, magbasa ng mga artikulo mula sa legit sources o 'di kaya magtanong sa mga medical professionals. 'Wag magpadala sa mga chika ng grupo ni Aling Marites at malamang sa malamang, fake news ang source nila.

Saturday, August 28, 2021

Preso

Dahil mahigit isang taon na tayong parang preso sa ating mga tahanan, isa sa mga na-appreciate ko gawin ang panonood ng restored Filipino movies by Sagip Pelikula (ABS-CBN Film Restoration Project). Isa ito sa mga naapektuhan ng mawala ang prangkisa ng Kapamilya Network but it looks like patuloy ang kanilang proyekto na isalba ang mga klasikong pelikulang Pilipino.

They started it in 2012 with Himala starring the country's Superstar, Nora Aunor. Mula noon, sunud-sunod na ang na-restore nila tulad ng Oro Plata Mata, Karma, Tatlong Taong Walang Diyos, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Moral, Nunal sa Tubig at marami pang iba.

Some of the restored movies were released on DVD. Pero alam naman nating streaming era na ngayon kaya mapapanood din ito worldwide via iWant TFC, Ktx.ph, Apple TV at kakadiscover ko lang recently na available ang ilang pelikula sa Huawei Video. Kung meron kayong ganyang ketay, pre-installed ang app na 'yan kaya go ahead and check it out!

For old school people na nangongolekta pa rin ng physical media, available sa DVD ang Himala, Virgin People, Karnal, Hihintayin Kita sa Langit, 2in1 Ate Vi and Ate Guy films (T-Bird at Ako at Ikaw Ay Akin), at 3in1 Mike De Leon films (Hindi Nahahati ang Langit, Kung Mangarap Ka't Magising at Kakabakaba Ka Ba?). To purchase, just send a private message to ABS-CBN Film Restoration Facebook and Instagram pages. Kabibili ko lang ng Himala at Virgin People at it looks so good on widescreen. Todong na-appreciate ko ang mga pelikula at mas naintindihan ang istorya.

Friday, August 27, 2021

Status

July, August at September talaga nagiging inconsistent ang panahon, 'no? Minsan sobrang init, minsan naman ang lakas ng ulan. Tapos parang sinasadya pa na bubuhos 'yan kapag rush hour. Ayun, trapik kahit saan. Good luck talaga sa biyahe lalo na kung sa EDSA ang daan. AY TEKA! 'Di ba may nagsabi from DPWH na wala na daw traffic diyan dahil sa #BuildBuildBuild. Saang parte kaya 'yung tinutukoy niya? Nasubukan na kaya niyang mag-commute tuwing ala-sais ng gabi mula Makati hanggang Balintawak na hindi ECQ?

Anyways, may bagong labas na HIV/AIDS update mula sa DOH. As of June 2021, mayroon 6,043 new cases this year. That's like 33 cases per day. 50% ang itinaas mula sa 22 cases per day noong 2020. 30% (1,813) niyan ay nasa NCR na sinundan naman ng Region 4A with 18% (1,073). Kung pag-uusapan ang kasarian, malayo ang agwat ng mga otoko na may bilang na 5,754 sa 289 ng mga merlie.

Image courtesy of ARcare.net
For June alone, merong 1,496 new cases. Pinakamataas na mode of transmission ang pakikipagtalik with 95% (1,425). M2M o male to male sex ang top performer with 64% (909). Kung edad ang pag-uusapan, 50% ay nasa 25-34 na sinundan ng 15-24 na may mahigit 28%. Ang babata!

Kasama rin sa report ang trans community. A total of 103 cases this year, 19 of which came from June 2021. Simula nang masama tayo sa report noong January 2018, may naitala nang 998 cases at 99% diyan ay nakuha sa pakikipagtalik.

Kahit pala may pandemya ay patuloy na dumarami ang kaso ng HIV/AIDS. Akala ko ay bababa dahil bawal lumabas at sarado mga motmot. Maaaring dahil ito sa mas marami ang nagpapa-test para malaman ang kanilang status. The earlier you know, the more chances of preventing it to progress.

Mga ateng, patuloy nating pangalagaan ang ating mga sarili. Pinaka-epektibo pa rin ang safe sex. Kung kaya, tiis-tiis muna na walang bona. Kung hindi mapigilan ang init ng laman, pakyawin ang mga condom sa tindahan. Kung bagong kakilala lang ang bona kid, 'wag na 'wag papayag sa bareback at creampie. Kahit masarap panoorin 'yan sa alter world, maigi pa rin na protektahan ang sarili. Kung may partner naman, loyalty is the best policy at iwasan ang pagiging adventurous. Of course, magpa-test regulary to know your status.

Thursday, August 26, 2021

Ulan 2.0

Gabi. Naglalakad ako sa isang kalye sa Maynila nang biglang bumuhos ang ulan. Dali-dali akong tumawid sa kabilang kalsada para sumilong sa 7-Eleven. Wala pa halos limang minuto nang matapos ang mga patak. Parang walang nangyari. Umalinsangan lang ang paligid. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pero naging maingat sa paghakbang dahil naging madulas ang daan.

"Huwag kang magpapa-ulan. Magpabasa ka lang."

Sigaw ng isang binatilyo sa kanyang nanay na nasa aking likuran. Natawa ako sa joke. Sweet.

Biglang kinurot ang puso ko. Na-miss ko si mama. ☹

Wednesday, August 25, 2021

Kakarampot

Tatakbo daw na VP si Tatay Digz sa susunod na taon. Sakripisyo daw niya dahil sa kagustuhan ng mga tao. WOW! Gaano karami kaya ang tinutukoy niya? CHAR! Bali-balitang ang pambansang alalay ang ka-tandem niya at tatakbo sila under PDP-Laban. May confirmed din na limang senatoriables ang partido. Wit ko na babanggitin at baka uminit lang ang ulo niyo. Hindi nila daserb masulat sa ating kaharian.

Araw-araw tayong nanonood ng balita at araw-araw din tayong nababahala sa dami ng bagong kaso ng COVID-19. Noong isang araw lang ay lumagpas tayo sa 18 kwit kahit nagdalawang linggong ECQ ang NCR at ilang piling lugar. As usual, kakarampot na ayuda ang nakuha ng mga tao samantalang bilyong piso ang hindi nagagamit at nilulustay ng ibang sangay ng gobyerno. Salamat sa COA at nalalaman natin kung paano ginagasta ang pera ng taumbayan. Underpaid pa rin ang healthcare workers samantalang sa hardware bumili ng napkin ang OWWA. Moldex yata ang brand. CHAR!

Kasalukyang palabas sa KTX.ph ang Love and Pain in Between Refrains, ang bagong pelikula ni Direk Joselito Altarejos na nagbigay sa atin ng mga obra maestrang Ang Lihim ni Antonio, Kasal at Ang Lalake sa Parola. Parte ito ng Cinemalaya 2021 at mapapanood hanggang Sabado, August 28.

Kwento ito ng childhood sweethearts na sina Adelle (Elora Españo) at Noel (Oliver Aquino) na nagkita after 10 years. Nagkabalikan at nagmahalan muli pero may kasamang cariño brutal. Very close to reality at maraming ganyan sa paligid natin. KALOKA! Saan kaya sila dadalhin ng marahas nilang pag-iibigan?

Narito ang trailer...


Saturday, July 17, 2021

Hagip

I was watching Visions: Cinema - Film In The Philippines documentary last week at hindi ko maiwasang hindi mabilib sa artikulasyon nina Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, at Lino Brocka. Ramdam mo sa mga salita nila ang passion in film making. They were describing the situation and challenges they faced during the time the documentary was made. May paninindigan, matapang sa mga isyu, frustrated sa censorship pero hindi sumusuko sa paggawa ng makabuluhang pelikula.

Isang eksena na tumatak sa akin ay noong ine-explain ni Ishmael Bernal kung bakit gustong-gusto niya ang gabi. Kaya naman nagawa niya ang isa sa kanyang mga obra, ang City After Dark. Imagine making a film without an actual script on hand. What a genius! Need to watch that film ASAP.

Tulad niya, gusto ko rin ang siyudad kapag gabi na particularly 'yung mga spontaneaous na lakad kasama ang mga kaibigan. Magkikita kami sa Coffee Belle sa West Ave. at magkukwentuhan magdamag. Kapag inabot ng gutom, tatawid lang sa kabilang kalsada para bumili ng siopao at siomai sa Kowloon West. Nakakamiss din ang night jog sa UP Oval. Bukas na ba sila sa publiko ngayon?

UP Diliman
Pre-pandemic, halos linggo-linggo rin akong nagsisimba sa Malate Church. Pagkatapos ng misa, maglalakad ako sa kahabaan ng Roxas Boulevard at magkakape sa CBTL o Starbucks. Uupo sa bandang gilid at magpapalipas ng oras o hindi kaya ay magsusulat tulad ng ginagawa ko ngayon. Pagkatapos ng mahigit isang oras, aaalis na at maglalakad muli papuntang Luneta. Kukunan ng litrato ang monumento ni Rizal na kailangan tama ang anggulo or else, mahahagip ng camera ang condo ng DMCI, ang pambansang photo bomber. Para sa akin, simbolo ito ng pagiging ganid ng mga kapitalista sa bansa. Hindi baleng mababoy ang kultura basta kumita lang.

Luneta
Konting rampa pa at manonood naman ng water fountain show. Hahalo sa mga tao para kumuha ng video para i-upload sa social media. Ang ilan sa kanila ay naka-live video pa. Mga batang namamangha sa kanilang napapapanood. Mga mag-jowang sweet sa isa't isa. Nakakatuwang alaala.

Kapag tapos na ang show, maglalakad muli hanggang sa istasyon ng LRT. Babalik sa dating gawi at maghahanda para sa darating na laban sa susunod na araw.

Sunday, July 11, 2021

Pintuan

Pagkatapos ng matagumpay na Anak ng Macho Dancer, may bago ulit handa si Direk Joel Lamangan sa ating kaharian. Ipapalabas ngayong buwan ang Lockdown, ang pelikulang magpapainit sa inuulan nating mga tilapia. Bida dito si Paolo Gumabao na una nating nakilala bilang Enzo sa Mga Batang Poz.

Ayon sa mga artikulo online, kwento ito ng isang OFW na nawalan ng trabaho at tumakas sa quarantine. Napilitang kumapit sa patalim para tustusan ang pangangailangan ng pamilya. Hanggang saan kaya ang kaya niyang gawin para sa kanila? 'Yan ang ating dapat abangan!

Paolo Gumabao
Starring din dito ang Cinemalaya Best Actress na si Ruby Ruiz, Max Eigenmann at Alan Paule. At dahil hindi required dumaan sa MTRCB ang mga pelikulang ipapalabas via streaming, hindi tayo mabibitin sa mga 'noches de leche' nina Dincent Lucero, Kristian Allene, Neil Suarez, Jeff Carpio, at Sean De Guzman. SHEREP!

Trailer pa lang, hindi ko na napigilang magwater-water sa maiinit na eksena. Walang kiyeme si Paolo sa laplapan huh! Napaka-swerte din ni Jim Pebanco at nahipo niya ang 'pintuan ng langit'. Sana ol, 'di ba?

Mapapanood ang UNCUT version worldwide starting July 23 via KTX, Upstream PH, RAD, WeTV Philippines, and iflix. Support local films tayo, mga ateng. Don't miss it!

Bubong

Sabado, pasado ala-siete ng gabi kahapon, binaybay ko ang kahabaan ng UN Avenue sa Maynila. Parang hatinggabi na ang eksena. Mabibilang mo sa kamay ang mga tao sa daan. May dalawang nurse akong nakasalubong. Mukhang pauwi na galing shift.

Bukas pa naman ang ilang kainan pero walang nakaupo sa mga lamesa. Malamlam din ang ilaw sa loob, cost-cutting siguro sa expenses para makatipid at ma-survive ang kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya. May mga street vendor na nag-aantay ng bibili ng yosi at mga batang yagit na palaboy sa daan. May construction sa gilid ng Manila Doctor's Hospital. Mukhang lumang building na inaayos.

Patawid na ako nang maramdaman ko ang paglakas ng ambon. Binilisan ko ang paglalakad para hindi masyadong mabasa. May payong naman ako sa bag pero tinamad akong ilabas. Baka magkasakit ako, sa isip-isip ko.

Malapit-lapit na ako sa aking pupuntahan nang mapansin ang isang residential building sa kanto ng Del Pilar Street. May bangko sa baba pero walang ilaw sa lahat ng bintana maliban sa iisa na nasa rooftop. Mukha tuloy abandonado. Ang ganda pa naman ng disenyo. May kanya-kanyang bubong ang bawat bintana.

Ilang hakbang pa at narating ko na ang kapihan na pagtatambayan ko. Umorder ng brewed coffee at makakain, hinintay magawa ng barista, saka umupo sa paboritong pwesto. Nag-disinfect ng lamesa, inilabas ang notebook at isinulat ito.

Wednesday, June 30, 2021

Laso

Taken from Pride March 2018
It's the last day of Pride Month and I just want to say MABUHAY ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community na patuloy na nakikipaglaban para sa pantay na karapatan. Malayo pa ang tatahakin natin lalo na kung iboboto natin ang mga tulad nina Pacquiao at Tito Sotto sa susunod na halalan. Ilang beses ko na yata nasabi 'yan lol!

I have no words for the death of PNoy. Patunay ang kamatayan niya na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa demokrasya at sumusuporta sa kanya. Lumabas sila sa kani-kanilang tahanan para makiramay. May iba pa na nagsabit ng dilaw na laso, simbolo ng kanilang pakikidalamhati at pasasalamat. Siniraan man at binaboy sa loob ng halos limang taon, hindi mabubura ng mga trolls ang magagandang ginawa niya para sa bansa. The work speaks for itself. Manigas kayong mga paid at unpaid trolls. Babalik din sa inyo ang ginagawa niyo.

Images from Google (ctto)
So far, nagsabi na sina Ping Lacson at Dick Gordon na tatakbo sila sa pagkapangulo sa 2022. Si Tito Sotto pa lang ang vocal sa pagka-VP while hilong talilong tayo sa iba't ibang pahayag ni Tatay Digz. Minsan sasabihin ni tatay na gusto na niya mag-retire, the next day iba na. Parang pinaglalaruan ang taumbayan. Well, since 2016 pa naman. Pinipilit din ng ilan na magpahayag na si VP Leni sa kanyang mga plano pero tikom ang bibig ng busy presidente natin at focus muna ang pagtulong sa bayan. Tama lang 'yan dahil kung maaga nga naman siyang magsasalita, maaga din gagawa ng paninira ang mga kalaban niya. Just like PNoy, let her work speak for her kind of leadership. Kung ayaw niyo, eh di doon kayo sa kabila para unli quarantine. Walang halong char.

Quarter 3 na tayo bukas, mga ateng. In 2 months, BER months na ulit. I just wish we will have a better country when the Christmas season comes. Sana makapaglamyerda na tayo muli na hindi natatakot magkasakit, makapagyakapan at makipag-beso-beso, at makalanghap ng hangin na walang nakatakip sa mga fez. Miss ko na rin ang midnight escapades pero makapag-hihintay naman 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan natin laban sa COVID-19 at variants nito.

Sunday, June 27, 2021

Duplikado

Isang water-water na araw, mga ateng! Kumusta kayo? Medyo lumalamig na ang panahon dahil sa ulan. Salamat naman at patapos na ang free trial ng impyerno. KALOKA! Tulad ng dati, ingat pa rin tayo sa tuwing lumalabas lalo na't hindi naman bumababa sa limang libo ang mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw. Nag-plateau na daw tayo sa lagay na 'yan huh! Face mask, face shield, social distancing at alcohol pa rin ang panangga natin sa sakit kaya palaging gamitin o gawin.

Matagal na rin simula noong huli tayong mag-post tungkol sa mga babasahin na humubog sa ating pagkatao. Isa sa mga paborito niyo ang Chika Chika na magpasa-hanggang ngayon ay binibisita pa rin. As you know, pinamanahan tayo ng dalawa sa ating mga ateng at ito ay ating inaalagaan.

Ilan sa inyo ay nagkomento o nagpadala ng email at nagtatanong kung ibebenta ko ba ang mga ito. To be honest, I was not sure if I'm going to sell it because it was given to me. I feel na hindi ko dapat pagkakitaan ang isang bagay na hindi ko naman pinagpaguran. But its been years and although I'm storing it on a safe place, the quality is not as it used to be. Karamihan sa mga ito ay printed more than 20 years ago. My plan is to restore it and make a PDF copy for archiving dahil parte ito ng kasaysayan ng Pinoy LGBTQIA+ community. Dapat mapag-aralan at ma-enjoy ng mga susunod na henerasyon. I just need to find the time and energy dahil hindi biro ang mag-digitize ng physical media. I'm also looking for a bigger scanner that can scan at least 11 x 13 inches or newsprint size. Do you know where we can find one tapos mura lang? Any leads will be much appreciated. 'Yung mga usual na flatbed scanners kasi na available in the market are not enough to scan the entire page. Parang pinakamalaki na yata 'yung kasya ang long bond paper. 

So here's the pasavogue part, I have come to a decision to sell my personal copies of Chika ChikaExtra Extra and other Pinoy magazines. Ito ay mga duplikado which means meron pa rin tayong kopya na pwedeng i-scan once na may scanner tayo. Unahan ko na kayo mga ateng at medyo pricey ang bentahan natin because part of the proceeds will go to a chosen charity that supports our community. Some charities are struggling due to the global pandemic and I think this is the perfect time for us to help.

Okay ang haba na niyan so here are the items...

The magazines are in good condition. Meron lang obvious wear and tear pero naalagaan naman natin.

The first to comment "mine + picture number + cover model and tagline" will have the opportunity to reserve the item for 2 days. Here's the sample:

Mine + #3 + On the go si Leonardo

May timestamp ang comment so kung sino mauna, sa kanya ang reservation. Immediate payment guarantees the reservation. Through GCash or bank transfer tayo. Shipping fee is also shouldered by the buyer. Once reserved, please send me an email so we can finalize the deal. My email address is on the right side of the screen.

Happy shopping, mga ateng!

Sunday, May 23, 2021

Pandemic Feels

It's past 4 in the morning and I can't sleep. I don't want to watch a movie and my brain cells are not active to put me in a fantasy land with my crush, so I decided to write.

Bago matapos ang Abril, nag-positive ako sa COVID-19. Nilagnat, sumakit ang katawan, nawalan ng panlasa at amoy, nagka-sore throat at nagkaroon ng ubo. Sa awa ng Diyos at dahil naniwala tayo sa siyensiya, gumaling naman na hindi nadadala sa ospital. Ivermectin was not an option.

Taken last week in Roxas Boulevard

Pero bago pa ako nagkaroon ng COVID-19, ilang buwan o linggo na akong wala sa huwisyo. I was uninspired maybe because of the current situation. Isang taon mahigit na tayong naka-lockdown na iniba-iba lang ang termino. 'Yung minsanang pagpunta sa mall para maaliw eh kalungkutan ang nadarama ko. Konti ang tao. Paano ang mga negosyo? Some of the tenants are not as big as the Ayalas and Sy families. I also feel for the employees - the cashier, merchandiser, and other staff. Ilang empleyado ang nawalan at patuloy na nawawalan ng trabaho dahil sa cost-cutting at pagsasara ng ilang negosyo?

I'm grateful that somehow, I am able to work from home and earn the same amount pre-pandemic. Kaya kahit minsan na lutang ako, I try to work and deliver what is needed. Walang puwang ang personal kong nararamdaman pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakulangan na hindi naman dulot ng trabaho ko. Sadyang nakakaapekto lang sa akin ang patuloy na puchu-puchung kilos ng gobyerno na tila ba pinabayaan tayo. Ang daming inutang pero walang bakuna. Nakaasa sa donasyon. Patuloy sa pag-replenish ng dolomite sand sa Manila Bay at kabi-kabila ang mga bagong kalsada, pero maraming Pilipino ang walang laman ang sikmura.

I also celebrated my 36th birthday last month. Can't help but to worry about my future old self. I'm preparing for it but I feel like it is not enough. So many questions boggling me like "Paano kung magkasakit ako?", "Magkakaroon ba ako ng sariling bahay?", "Aabot ba ako sa 60s or 70s age?" etc. You see at this point, parang tanggap ko na I'll grow old alone which is just fine. I just want to be stable and unproblematic when I get there.

I just need to say what's inside my mind. I hope if you feel the same, meron kayong outlet to release it, or at least someone that would listen to you. In case wala, feel free to tell me. Let's help each other surpass this pandemic feels.

Sunday, February 14, 2021

Karaniwan

Valentine's Day. Para sa isang tulad ko na walang jowa at hindi pa nakakaranas niyan, it's just like an ordinary day. Mas madami nga lang nagbebenta ng flowers at stuff toy sa daan. I used to post bitter status or tweets about it, but as I mature, bakit ko pipiliing maging mapait sa gitna ng katamisan? Single people can still celebrate this day, with or without jowa.

***

Speaking of Valentine's Day, nasa Mercury Drug ako kanina nang magkaroon ng komosyon sa labas. Tinangay ng dalawang pulis ang mga tindang bulaklak sa bangketa ng isang tindera.

Cashier 1: "Bakit hindi na lang nila pagsabihan? Bakit kailangan kunin ang paninda?"

Guard: "Wala na 'yung puhunan nila."

Cashier 2: "Kawawa naman. Baka ibibigay na lang ng mga pulis sa jowa nila. Kapag hinuhuli nila at hindi tinutubos, sa kanila na 'yan eh. Kapag pagkain, kinakain nila."

Cashier 1: "Tayo nga nahoholdap, hindi nila mahuli-huli 'yung mga holdaper."

Ako: "Wala eh, malakas ang kapit nila. Protektado sila. Lahat nang gusto nilang gawin, magagawa nila."

***

Sa paglalakad ko araw-araw, iba't ibang mukha ng Pilipino na apektado ng pandemya ang nakakasalubong ko - si mamang sorbetero karay ang kanyang mabigat na kariton, si mamang magtataho pasan ang kanyang tinda, si kuyang magbabalot na halos mamaos kakasigaw, si kuyang construction worker na nag-aantay ng masasakyan, ang bagger sa supermarket na nagmemeryenda sa gilid ng daan, si nanay na galing palengke bitbit ang pinamili, ang tindera na frustrated rin sa mahal ng bilihin, mga jeepney driver na putol ang byahe dahil sinara ang u-turn slots sa EDSA, sina inay at itay na hingal-kabayo kakaakyat sa matatarik na overpass, at marami pang iba. 

Mga karaniwang tao na tila ba pagod na sa nangyayari sa bansa. 

Kailan ba tayo uunahin ng mga namamahala?