Pasavogue itong bratatat ni Gen. Parlade sa mga merly na tumatayo sa kanilang karapatan particularly kina Liza Soberano at Catriona Gray. 'Wag daw um-associate sa tulad ng Gabriela na isa raw komunista. Infairness sa Gabriela, simula nang maupo sila as a party-list sa kongreso, wala silang pagod sa pagtaguyod sa karapatan at boses ng kababaihan. Ang mas malakas na pasavogue ay deretsahan niyang pinaratangan na NPA member ang kapatid ni Angel Locsin. Naglabas tuloy ng ebidensya ang Darna natin upang baliktarin ang paratang ng heneral. Pati sina Cavite Governor JonVic Remulla at House Speaker Lord Velasco ay imbey na "red-tagging" niya.
Sa trulili lang, mala-Shrekty Fermin itong si Parlade. Puro kuda pero walang maipresentang ebidensya. Kung meron man, idaan sa legal na proseso at hindi sa FB. Kahihiyan sa AFP itong si ser.
Tama na ang stress! Tara't manood tayo ng isang masarap na pelikula...
Kurap (2008)
Silangan Pictures
Directed by Ronaldo Bertubin
Starring Sherwin Ordoñez, Jojit Lorenzo and Ashley Rhein Arca
Sa pagnanakaw binubuhay ni Ambet (Ordoñez) ang kapatid na si Luchie (Arca). Hindi ito alam ng huli na masipag sa pag-aaral pero unti-unting nawawala ang paningin dahil sa glaucoma. Upang mapaopera ang kapatid, tinanggap niya ang offer ng amateur videographer na si Marlon (Lorenzo), na ituro ang mga illegal na gawain sa paligid ng Quiapo. Kasama sa mga nilaglag niya ang pinagbebentahan ng nakaw na cellphone at mga kasabwat sa pandurukot.
Pero 'ika nga nila, walang lihim na 'di nabubunyag. Nang nalaman ito ng mga trinaydor niya, siya naman ang binalikan at dito na nagkaroon ng bugbugan galore.
Diyan nagtapos ang pelikula. Ang iksi, 'di ba? Para lang siyang Maalala Mo Kaya. Just don't get your hopes high because this is another poverty movie. But I'm fine with it kasi na-establish naman ang istorya at naihatid na hindi bitin sa pakiramdam.
Ang direktor nito na si Ronaldo Bertubin ang siya rin nag-direk ng Sikil at Loverbirds na pasado din sa kaharian natin.
Rating: 3/5 stars